Nagbabalik!

Hahay! Matagal-tagal din akong namahinga dahil sa mga kung anu-anong bagay na pinagkakaabalahan ko. Akala ko nga hindi na ko makakapag-post ulit dito. Buti at naalala ko pa ang password ko. So ano na nga ba ang nangyayari? Napakarami ng dumaang bagyo, mga kabalbalan ng mga tao sa gobyerno nating bulok, yung Miss World natin nilait lait ng dayuhang mabaho pa ang bunganga sa toilet na sinasabi nya. Pero wala akong pakialam, dahil marami namang nakikialam don na may magagawa.

 

Magpatuloy sa pagbasa

Advertisements

Totoo Kaya?

Inner Awareness

Scientists prove that intention affects matter

By

 

Scientists prove that intention affects matter.

Wika, Diwa, Makabayan

Napaisip lang ako noh, kailangan bang magpakabayani sa pagpopost ng mga status in Filipino sa social networking sites para masabing makabayan kang tunay?

 

May napansin lang kasi ako.. Ayon sa mga nasasaksihan ko sa news feed ko, may tumutuligsa sa mga nagpipilit daw na magpaka-Pinoy sa puso at diwa dahil nakasuot ng t-shirt na may temang pagiging proud sa pagiging Pinoy, Filipino pa nga ang pagkakasulat. Wala naman akong nakikitang masama doon. As long as hindi sila gumagawa ng masama at walang nasasagasaang kapwa, mas nakakatuwa na hindi ikinakahiya ang lahi, lalo pa’t ipinapaalam sa lahat.

 

Napakasakit lang sa ulo ng mga nagpopost ng puro Filipino or Tagalog, yun bang masyado ng OA na makata ng tema. Kulang na lang sumulat ng libro na pang Filipino grammar. Ang purpose lang naman e para mang-usisa at mang insulto sa ibang tao. Lalo na yung sinasabi nila na “wala ka sa US o sa ibang bansa para ka mag-Ingles”, na isa itong kaartehan at pagpapakita ng pagiging angat sa iba.

 

Hindi ibig sabihin na nag-E-English ka, mayaman, maporma o maarte o di kaya’y mayabang ka. Kawawa naman pala yung mga call center agents na nagsasakripisyong hindi makasama ang mga pamilya sa mga importanteng okasyon para lang kumita. Sila kasi yung mga halos bumula na yung bibig ka-i-Ingles sa loob ng halos walong oras para pagsilbihan ang mga foreigners, tapos masasabihan ng maarte. Unfair.. Hindi alam ng nakararami kung gaano kahirap ang trabaho nila, kahit sabihin pang naka-aircon sila buong shift at nakaupo lang at nagsasalita. Hindi mo maiintindihan ang sinasabi ko, hangga’t hindi mo nasusubukang magtrabaho din sa ganung klaseng industriya.

 

Aminin din natin, pag magtatrabaho ka, syempre, may interview. Kadalasan, in English, di ba? Hindi sa ipinagtatanggol ko ang wikang banyaga, ipino-point out ko lang ang advantages nito. Hindi ko rin sinisiraan ang mga hindi gumagamit nito. Nag-ra-rant lang ako. Hahaha. Opinyon ko lang naman ito. Lahat tayo malayang magpahayag. Kung ayaw mo kung ano sinasabi ko, hinto na pagbabasa mo dito…

 

At syempre dahil Pinoy ka rin kagaya ko, kahit sinabing huminto, tutuloy ka pa rin magbasa. O yeah! Hahahaha.

 

Sana meron din nakaunawa sa gusto ko’ng iparating sa maraming kababayan natin dito sa Pilipinas at sa iba pang panig ng mundo. Na ang pagiging makabayan ay hindi lang puro sa salita, nakikita yan sa gawa.

 

Hindi nakakaengganyo ang pagiging makabayan sa pamamagitan ng wika kung gagamitin mo lang para manakit at mangutya ng kapwa.

 

Bow =)

Bago, Uso, Join na Kayo!

Hay! Naglipat -taon na. Andami kong bagong nakita, bukod sa mga banners ng mga pulitiko na may mga mukha nila, marami rin akong nakitang mga kaugalian na nagsulputan. Bagong taon nga, syempre, bagong uso. Meron naman din mga dati na, at hindi na mababago pa..

OK, so much for the “bago/new” things… Bigla lang kasing sumambulat sa news feed ko ang mga pictures sa instagram. I have nothing against people who are so into posting pictures of just about anything, including multiple shots of their faces on IG. Nakakaumay, umay, at isa pang umay… Umayghawd! I-chronicle ba halos lahat ng ginagawa sa IG? Demet, kulang na lang pati pag (pasintabi po sa mga kumakain…ang susunod na parte ay may maselang salita… yada,yada) “T*e”, kailangan nasa instagram.. At naka-synchronize pa sa facebook, twitter, pinterest, tumblr, etc.. just to make sure na ang online presence ay damang dama ng lahat. (Hindi naman ako galit, nagsasabi lang ng opinyon. Kung tinamaan ka, Huwag PIKON! hahahaha) Uso nga naman kasi.

Parang yung pagkauso din ng mga DSLR. Lahat photographer na. Kawawa naman sila manong na taga-kuha ng pictures tuwing may school affair.. Sila yung mga tunay na photographers talaga, hindi pa digital noon, at ang mga larawang kuha nila, walang ulit. Samantalang ngayon, kahit sino na lang, meron, kahit mag-mo-mall lang, kelangan naka-kwintas pa sa leeg ang camera, as if trying to flaunt to everyone na you are into photography. Apart from that, you are just a plain show-off telling everyone that you’re a big cheese who can get anything you want everytime there’s a new fad.

Similar din dyan yung may mga kung anu-anong gadgets na bago like ipad or tablets. Don’t get me wrong, I’m not the technophobe type. Hindi lang ako natutuwa sa paraan ng paggamit ng mga nakararami. Yung eksenang ayaw mo nang mawalay yung tablet mo sa tabi mo, na hanggang sa bar dala dala mo ito, kahit hindi mo naman kailangan doon. Walang masama kung makikita ng iba yan. Hindi naman ito maselang bahagi ng katawan mo para itago. Hindi lang nakakatuwa yung pagka-pasikat. Hindi mo man intensiyon na ganun ang maging tingin sa’yo, bago mo pa ma-realize, matagal nang may nagtatawa sa’yo. (Oo may pambili ka, alam namin iyon, hindi mo kailangan ipangalandakan sa lahat.)

Ito eh mga pawang obserbasyon lamang. Hindi ko naman nilalahat. Base na rin yan sa pagkakaintindi at tingin ng iba’t ibang klase ng tao. Pwedeng sa nakararami ay tama lang, pwedeng sa iba ay hindi katanggap-tanggap at hindi naaayon sa normal.

BOSS

 

Nagtatrabaho ka ba sa call center? Kung oo, makakarelate ka dito, kung hindi at may balak kang pumasok pa lang dun, magagamit mo ito. Read on!

Ano ang gagawin mo kung:

1. Lahat ng ginagawa mo sa opisina, napapansin ng boss mong maganda, hindi dahil natutuwa siya pero dahil ipinamumukha niya sa’yong ikaw ang panira sa performance ng team?

2. Lahat ng sabihin mo, ginagamit laban sa’yo, tipong napagkwentuhan nyo lang at nakarating sa nakatataas, biglang nasa “watch list” ka na at hinahanapan ka ng butas para materminate ka?

3. Kunwari ang bait sayo ng boss mo na feeling pinakamaganda, pero tinatraydor ka na pala nya. Lahat ng pagve-vent out mo tungkol sa isa mo pang boss ay nakakarating, swak na may dagdag-bawas pang nangyayari. Acting niya pang best actress sa FAMAS na parang confidante mo, para lahat masabi mo sa kanya, na in the end, gagamitin nya against sa’yo?

4. May mga ideas ka na isina-suggest, akala mo hindi niya ikino-consider. After a few days, magugulat ka na lang dahil merong bagong project sa site, bagong pakulo, at siya na ang may brainchild sa project, all the credits going to him/her and not a small bit for you?

5. Mababa ang stats mo, at inaasahan kang mag perform. Hindi ka na namomotive dahil, imbes na sabihin ng boss mo na “Come on, let’s work on it! Kayang kaya mo yan. Here’s our action plan…”, ang litanya nya sa’yo eh “Ano ka ba? Ang tagal tagal mo na dito, yan lang ang kaya mo? Bakit yung ibang agents/teams kaya nila mas mataas pa dyan? I am disappointed! This is not what I am expecting from you. You’re pulling my team down.”?

6. Panay ang ring ng deskphone mo dahil medyo na-stuck ka sa long call. Boss mo pala yung tumatawag habang nag-aassist ka ng customer mo na napakaraming issues dahil sa error ng ibang agent. Sabay tatayo pa siya sa likod mo at sasabihing “Finish that call!”?

7. Araw-araw, may huddle kayo na salpakan ng tagal, dahil pilit pa rin ipamumukha sa’yo kung gaano ka kahina at sa harap pa ng buong team yan. Hanggang sa halos 45 minutes na ang nakalipas after nyo maglog-out, hindi pa rin kayo nakakauwi dahil sa kaka-rant niya dahil sa’yo.?

8. May sup-call ka. Lalapit ka sa kanya para i-escalate yon. Bubungad sa’yo ang mukha na di mo nanaisin makita kahit sa nightmare mo pa. Kulang na lang silipin niya yung utak mo at tingnan doon yung mga nakalagay sa kokote mo para lang masigurado nya na ginawa mo lahat at alam mo ang ginagawa mo bago niya i-take ang call?

9. Napa-absent ka minsan dahil sa isang emergency or nagkasakit ka. Hindi ka pa naghe-hello sa tawag niya, nakakasampu na siya ng sermon sa’yo o di kaya’y pinapaghalf-day ka niya. Pagpasok mo ule, parang wala siyang nakikita at naririnig pag lumapit ka at i-aapproach siya. Pero pag siya, sangkaterbang absences, parang wala lang?

10. Nagre-resign ka na dahil hindi mo na talaga kaya ang trato sa’yo. Pilit ka pa rin nire-retain dahil sayang naman daw yung tenure mo. Isang milyong tanong ang ibabato sa’yo. Pero isa lang naman talaga ang sagot, SIYA, na boss mo ang dahilan ng lahat. Hindi mo rin masabi sa kanya yon dahil sa kadahilanan na nabanggit sa No. 2. Ayaw mo siyempre materminate, kaya ka nagreresign?

Ikaw na ang bahala mag-decide kung papano mo i-hahandle. Most people would rather leave than stay. Yung iba, quiet na lang, dahil kailangan nila ng trabaho and can’t afford to leave and start over.

 

Pero eto lang ang sagot ko diyan:

 

 

 

 

Kathang Isip

Isa na namang pagtatanghal ang nagaganap.. Pagtatanghal ng mga taong literal na panggap.. Pilit ginagaya ang isang taong totoo, nagpipilit, nangungulit, na parang tunay mong kakilala. Tingnan mong maigi, datos ay salat, masyadong halatang isa lang pabalat..

>>>

Medyo makatang paglalarawan ng isa bogus facebook account..

Hindi kasi sila nakakatuwa, kung sino man silang gumagawa ng mga ganyan. Lalong lalo na kung kilala mo naman talaga sila kahit magpanggap pa na ibang tao sila. Kunware, i-aadd ka as friend, medyo nagulat ka pa at ang dami nyo ng “mutual friends”. Tapos kapareho pa ng apelyido mo ang ginagamit para isiping kamag-anak sya. Lame.. Nakakaantok sya. Gagawa na lang ng profile na fake, hindi pa akma yung itsura sa edad. Tipong July 1985 yung date of birth, pero mukha na syang mahigit sa singkwenta anyos na nagmumurang kamatis. San ka pa? Tapos kung anu ano lang ang mga post. May masabi lang. Para lang kunwari eh active na active yung account. Tapos pag tiningnan mo yung pictures, dadalawang piraso lang,merong dagdag lang na random pictures. Check-in pa kunwari near Amman, Jordan. Wala ka man lang makitang picture na nandun sa sa kung saan mang lupalop ng lugar na kinalalagyan nya. Jeez.

Sus, ate or kuya, lumang style na yan. Friendster pa lang may ganyan na. Wala ka naman mapapala kahit lahat ng friends at buong angkan ko e i-add mo. Unless may balak ka’ng manirang-puri. Hindi rin magtatagumpay at wala ka naman mapapala. Kahit ilang milyong beses ka manira sa kung kanino mang taong galit ka, with the use of your so-called identity, wala kang mapapala. Dahil kung meron man dapat paniwalaan, yun e yung taong gusto mong siraan at hindi ikaw. Hindi ikaw, na kathang isip mo lang mismo.

 

 

 

E Ano Naman?!

Wala! Gusto ko lang mag-blog. Gusto ko lang mangulit, kasi walang pumapansin saken (papampam). Hindi naman masama mag-share ng saloobin, (kahit walang kwenta) Masabi lang na may naipost (spammer). Pero hindi nga, totoong gusto ko lang magblog ngayon. Kahit walang magbasa ok lang. Page ko naman ito, walang basagan trip! I just felt like I have to.

Ano nga ba ang silbi ng blog? May napapala ba ang mahilig gumawa nito? Ano nga ba?

There are a lot of things that you can get out of posting your own opinions from blogging. Parang ganito. Kahit hindi papansinin, ayos lang sa’yo. As long as you’ve posted a content, it doesn’t really matter if it’s nonsensical to readers. This may be absurd. But, you can still gain in a lot of ways.

Paraan ito ng iba na maging popular. Hindi man sikat sa personal o sa tunay na buhay, ika nga, pwede kang maging instant celebrity. Parang pag-popost lang din sa youtube o sa facebook. Pag mas astig ang post, syempre, katakut-takot na likes at comments, hanggang sa maging chatroom na yung comments’ box mo. Bawat comment, nakaabang ka na di ba. Dun mo malalaman kung blockbuster ang ipinost mo or nilangaw lang.

Ang pagba-blog din ay isang way para ilantad ang mga kung anu-anong anomalya or mga scandal. Syempre, pag viral ang video, story, or photo, marami pupunta sa page mo. Kadalasan nga eh naaabuso ang paggamit ng blog. Kung anu-anong content lang ang ipinopost. Yung mga Memas… Me masabi lang ba. Saka yung mga Mamaru.. Mamarunong, ala naman alam.

Yung iba ginagamit ang blog kung merong gustong siraan. Duwag lang. Dinadaan sa pagpopost sa internet. Sobrang anonymous pa kuno. Halata naman sa mga words kung sino yung gumawa (Nyahahaha!talk about buking..) Meron naman ginagawa online journal ang blog nila. Nakakagaan kasi ng pakiramdam magsulat. Lalo na kung walang gustong makinig sa’yo o kaya eh wala ka pinagkakatiwalaan sa mga sikreto mo.

Kanya-kanyang trip lang talaga. Parang ganito. Nauuto naman kitang basahin ‘tong post ko. Hahaha. Kahit pakiramdam mo wala kwenta, binasa mo pa rin. Salamat sa dagdag ng traffic. But above all, Gusto ko lang talaga gawin ‘to ngayon. Hindi para magpasikat o mang-spam. Gusto ko lang. Kung ano man nasasaloob mo, itago mo na lang. Hahaha. Joke. Ok lang mag-comment. Kahit anong gusto mo. Tutal pinagbigyan mo ko sa trip ko.