Nagbabalik!

Hahay! Matagal-tagal din akong namahinga dahil sa mga kung anu-anong bagay na pinagkakaabalahan ko. Akala ko nga hindi na ko makakapag-post ulit dito. Buti at naalala ko pa ang password ko. So ano na nga ba ang nangyayari? Napakarami ng dumaang bagyo, mga kabalbalan ng mga tao sa gobyerno nating bulok, yung Miss World natin nilait lait ng dayuhang mabaho pa ang bunganga sa toilet na sinasabi nya. Pero wala akong pakialam, dahil marami namang nakikialam don na may magagawa.

 

Oo. Pangkaraniwang tao lang naman ako. Sabi ko nga, maraming taong concerned sa mga nangyayari sa bansa. E anu lang ba yung mga hinaing ko at saloobin di ba. Lalo na ang pagbblog ko, wala din magagawa. O ano, sasabihin mo, “e bakit mo na ipinost yan?”? E gusto ko nga e. Blog ko naman ito. Haha!

 

Pero alam kong hindi lang ako ang nakakapansin at nabubwisit sa hashtag hashtag na yan. Umabot pa sa facebook. Sa twitter matagal na ‘yon. Ang hindi ko lang maintindihan e bakit lahat ng posts dapat may hashtag. #tanginathis. Hahaha! Tao nga naman. Lahat ng mauso, ginagawa kahit hindi naman talaga kailangan.  Oo alam ko diyan lumiligaya ang karamihan, e hindi naman ako at hindi naman mababaw ang kaligayahan ko (sorry, hindi ako mahilig sa uso).

 

Kahit ano pa mang epekto nyan sa mga posts, WALA AKONG PAKIALAM! Mwahahahaha. Ke magtrending pa yang pagmumukha mong nagpipilit magmukhang Koreanang ulikba naman, I don’t f*cking care (para maiba lang at hindi redundant, nasabi ko na kasi)! Hindi naman ako nagagalit. Nagvevent lang dahil sa mga kaululan na kagagawan ng mga walang magawang matino.

 

Sana sa susunod na post ko, wala na ang mga hashtag hashtag na kabaliwan na yan. Pero malamang may bagong papalit. Anu naman kaya? Ewan! Basta ako, ayoko yon (makulit lang). Hindi ko naman sinasabing ayawan nyo rin. Opinyon ko ‘to at ito e ayon lang naman sa preference ko. So, pano? next post uli. Abangan!

Mag-iwan ng puna